Filipino ay Wikang pang Lahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas...
ni: John Barry Santos
Sandatang maituturing natin sa di makatwiran at di makataong pagmamalabis, pagka-mapangmataas, at sa paninirang puri ang Wikang Filipino. Ito ay ating nagiging kakampi upang ipabatid ang maling gawi ng ilan tungo sa nakararami. Ito ay isinasambit o di kaya’y isinasatitik upang tugunan ang pangangailangang proteksyon ng sambayanan sa masamang hangarin ng iilan. Ang Wikang Filipino ay nag aanyayang ilahad ang katotohanan at ang mga aktong di pabor sa moralidad at pagiging makatao sa bawat isa. Hinihikayat nitong isakatuparan ang dati ay kathang isip lamang na ganap na pagbabago. Ang mga bagay na nakakasira ng imahe ng ating lahi bilang Filipino, na tila bang siya narin ang gustong kumawala sa mga nagpupumilit na ito ang isuot na pagkakakilanlan dito.
Panahon nang isiyasat ang mga maling gawi, na ipahatid ang katotohanan at kredibilidad. Ito ang hamon sa ating ng Wikang Filipino., gamitin bilang pinagmumulan ng liwanag sa komunidad at tapang na suungin ang unos upang ituwid ang landas ng pamumuhay ng mamamayang Filipino.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento