Ibong Mandaragit ang Wikang Banyaga, Huwag Hayaan Maging Sisiw ang Sariling Wika...
ni: John Barry Santos
Patuloy na lumalaki ang bahaging ginagampanan at impluwensya ng wikang banyaga sa pang araw araw na pamumuhay sa panahon ngayon. At tila unti unting natatabunan ang halaga ng Wikang Filipino sa atin at ang pagbibigay importansya sa mga sakripisyo ng mga nagsipagtaguyod nito. Sa paanong paraan maipapakita ang katagang ito? Ang pangangailangan ng mundo batay sa kung ano ang mga nagaganap sa kasalukuyan ay nahahagingan ng presensya ng Wikang Banyaga. Bilang tugon, marami sa atin ang nagpapakadalubhasa sa wikang ito. Ito ay upang pakasabay sa agos ng kompitensya sa kasalukuyan. Ngunit lingid sa ating kaalaman, sa pananaw na ito, may mga bagay na nauuna pang nadidiskubre sa Wikang Banyaga kaysa sa Sariling Wika natin.
Sa sariling wika natin tayo ay nagkaroon ng sariling pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Kung magkagayon, dapat sa pag angat ng wikang banyaga sa mundo ay kasabay ang pagpapakilala natin ng ating Wika at palinang nito. Hindi man upang higitan ang kakayahan at pwersa ng ibang wika, ay upang bigyang ng pagpapahalaga ang mga sakripisyo sa pagtataguyod nito at pagpapakita ng Nasyunalismo. Ang Wikang Filipino ang siyang ating representasyon sa mundo, linangin, pagyamanin, at ating gamitin upang sa pag-asang balang araw tayo naman ang manaig sa mundo.
Sisiw man kung ituring ng iba ang ating wika, ang tunay na sisiw man ay uusbong at mas magiging higit na kapakipakinabang baling araw. Ito ang gigising sa natutulog na diwa hindi lang ng mga Pilipino kundi maging ng ibang lahi, at sasalubong sa liwanag ng araw ng mabuting pababago na kakalat sa kalupaan at magtataguyod ng isang mabuting kabihasnan.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento