Wikang Filipino: Bigkis ng Mamamayan
ni: John Barry Santos
Isang mahalagang aspeto ng pakikipagugnayan ang ginagampanan ng Wikang Filipino sa bawat mamamayan. Sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala sa ibat ibang larangan at pamamaraan ng pamumuhay, mga kultura, kabihasnan, sining, kapaligirang ginagalawan, tradisyon at mga kinagawian, rehiyon, relihiyon at maging interes, Wari'y isang sinturon na nagbibigkis ang gampanin isinasakatuparan ng Wikang Filipino upang maging isa sila sa kanilang mga diwa. Dahilan kung bakit sa matinding di pagkakatulad-tulad ay nananatili ang matinding samahan...