Lunes, Agosto 15, 2011

Wikang Filipino: Bigkis ng Mamamayan

Posted by Thunder Hawks On 4:51 PM No comments

Wikang Filipino: Bigkis ng Mamamayan
ni: John Barry Santos

Isang mahalagang aspeto ng pakikipagugnayan ang ginagampanan ng Wikang Filipino sa bawat mamamayan. Sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala sa ibat ibang larangan at pamamaraan ng pamumuhay, mga kultura, kabihasnan, sining, kapaligirang ginagalawan, tradisyon at mga kinagawian, rehiyon, relihiyon at maging interes, Wari'y isang sinturon na nagbibigkis ang gampanin isinasakatuparan ng Wikang Filipino upang maging isa sila sa kanilang mga diwa. Dahilan kung bakit sa matinding di pagkakatulad-tulad ay nananatili ang matinding samahan at pagkakakilanlan natin bilang iisang lahi… Bilang mga Filipino. Mahirap isipin na kung walang sariling wika na magiging daan upang mapagbuklod-buklod ang mga hiwahiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.

Ginagamit ang Wikang Filipino sa pakikipagkaibigan, pagpupugay at pagpapakita ng sinseridad ng isang tao sa iba, pakikipagtalakayan at pagbabahagi ng iba't ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, mga senaryo at mga pangyayari ang makapagpapaliwanag ng kahalagahan ng wika sa lalo't higit sa larangan ng komunikasyon at pakikipagugnayan ng mamamayan.

Sa kabuuan, ang Wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa.

0 Comments:

Mag-post ng isang Komento