Ang mestiso Espanyol na si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto, sa Baler, Tayabas, kina Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila, na isa ring retiradong sarhento sa sandatahang kolonyal ng Espanya, at Maria Dolores Molina, isa ring guro sa kanilang bayan.
Si Manuel L. Quezon ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas. Si Quezon ay tinatawag ding “Ama ng Republika ng Pilipinas” at “Ama ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.
Sa kanyang termino bilang pangulo ng Pilipinas, itinayo ni Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa, na naglalayong lumikha ng isang pangkalahatang pambansang wika para sa mga Pilipino. Noong Nobyembre 1937, inirekomenda ng Surian na gawing pambansang wika ang Tagalog, kung kaya noong ika-30 ng Disyembre 1939 ay idineklara ni Quezon na Tagalog ang magiging pambansang wika ng Pilipinas. Noong Hunyo 1940 naman, iniutos niyang ituro ang pambansang wika bilang isa sa mga asignatura sa mga paaralan.
Namatay si Quezon sa sakit na tuberculosis noong ika-1 ng Agosto 1944 sa Saranac Lake, New York. Nakaukit sa kanyang huling himlayan ang mga katagang: "Statesman and Patriot, | Lover of Freedom, | Advocate of Social Justice, | Beloved of his People." (Mahusay na tagapamahala at bayani,| Mapagmahal sa kalayaan,| Tagataguyod ng panlipunang katarungan,| Minamahal ng kanyang bayan.)
Noong ika-23 ng Setyembre 1955, idineklara ni Pangulong Ramon Magsaysay ang ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon bilang Linggo ng Wika. Ang selebrasyong ito ay palaging nagtatapos sa kaarawan ni Quezon, ang taong unang nagsulong ng paglikha ng isang pambansang wika.
Noong ika-15 ng Enero 1997, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramow ang buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika.
Sanggunian: http://fil.wikipilipinas.org/index.php? title=Manuel_L._Quezon
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento