Wikang Filipino: Isang Paanyaya
ni: John Barry Santos
Ano ba itong aking naririnig?
Wikang Banyaga patuloy na nananaig,
Hindi ba’t tayo ay isang Pilipino?
May mayamang wika at sariling alpabeto.
Wikang Banyaga ang siyang ginagamit
Ng baluktot na pananaw na ang iba ay napiit,
Ito wari ay angkop pagpapakita ng husay
Na ang isa ay may dunong at mataas na pinagaralan.
Wikang Filipino ito'y ikagagalak
Gamitin bilang sandata sa bawat pagtahak,
Sa pagpapakita ng dunong at karunungan
Dala dala ay ngalan at pagiging makabayan.
Pagsambit at paglimbag sa sariling wika
Larawan ng Naysunalismo at nitong pagsasadiwa,
Kahapon, ngayon, bukas at sa habang panahon.
Ito ag siyang huhubog kung san tayo paparoon.
Wikang Filipino ngayo’y nagaanyaya
Linangin at paigtingin yan ang kanyang paalala,
Wika’y simbolo ng ating kasarinlan
Tanda ng ating sariling pagkakakilanlan.
Kaya sa lahat na may isang araw at tatlong bituin ang bandila,
Na may malawak na bahagi ng bughaw pati pula,
Taas noong ipagmalaki ang Wikang Filipino
Wari'y ibon na ang lipad ay patungong landas ng pagbabago.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento