Linggo, Agosto 14, 2011

Wikang Filipino sa Kongreso: Para sa nakararaming Pilipino

Posted by Thunder Hawks On 7:08 AM No comments

Wikang Filipino sa Kongreso: Para sa nakararaming Pilipino
ni: John Barry Santos

Karaniwan nang ginagamit sa Kongreso ang Wikang Banyaga, bilang paraan ng pakikipagkomunikasyon sa kapwa Mambabatas at iba pang mga kawani ng gobyerno. Ito rin ang kanilang kaparaanan upang kapanayamin ang mamamayan sa mga naitatag nang mga panukala nito at serbisyo. Ilan sa mga mambabatas dahil nga sa mataas ang kanilang pinagaralan at eksklusibo ang pinagtapusan, gamit nilang wika ay banyaga marahil sa isang banda ay upang ipakita na sila ay mahuhusay at taglay ang dunong na wala ang iba. Kahit ang ilan ay halatang hirap na, patuloy na magiingles kahit magkabali-baliktad at magkabuhol-buhol ang kanilang mga dila. Ang nakararami ay eksperto na rito ngunit sa sobrang lalim ng mga salita wari'y maging sila ay lulubog na sa pagkakaupo nila sa silya. Sa tuwing ang kausap nila ay ang mamamayan sigurado ko ang nakaintindi ay iilan tapos ang nakararami ay mawawalan ng interes at ilan pa nga'y dudugo ang ilong sa tindi ng bagsik ng inglesan. Ang dunong ay di nasusukat sa husay magsalita ng wikang dayuhan, Ito ay kung paano mo ito ibahagi sa nakakarami at kung paano mo ipapabatid sa iba ang kung ano ang nais mo sa paraang pabor sa nakararaming tao.
Kung ako ang tatanungin mas mainan na gamitin ang Wikang Filipino sa kongreso upang maipakita ang halaga nito at ang pagiging nasyunalismo. Mahirap ang proseso ng pagtataguyod nito, dugo at pawis ang haligi nito upang maisakatuparan an gating kasarinlan. Kaya marapat lang ito ay gamitin bilang sandata ng karunungan at pakikipag kapwa tao. Hindi naman masama na gumamit ng wikang banyaga, ikonsidera lang kung sino ang hinahatiran ng paniniwala aat pananalita mo.

0 Comments:

Mag-post ng isang Komento