Lunes, Agosto 15, 2011

Wikang Filipino: Bigkis ng Mamamayan

Posted by Thunder Hawks On 4:51 PM

Wikang Filipino: Bigkis ng Mamamayan
ni: John Barry Santos

Isang mahalagang aspeto ng pakikipagugnayan ang ginagampanan ng Wikang Filipino sa bawat mamamayan. Sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala sa ibat ibang larangan at pamamaraan ng pamumuhay, mga kultura, kabihasnan, sining, kapaligirang ginagalawan, tradisyon at mga kinagawian, rehiyon, relihiyon at maging interes, Wari'y isang sinturon na nagbibigkis ang gampanin isinasakatuparan ng Wikang Filipino upang maging isa sila sa kanilang mga diwa. Dahilan kung bakit sa matinding di pagkakatulad-tulad ay nananatili ang matinding samahan at pagkakakilanlan natin bilang iisang lahi… Bilang mga Filipino. Mahirap isipin na kung walang sariling wika na magiging daan upang mapagbuklod-buklod ang mga hiwahiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.

Ginagamit ang Wikang Filipino sa pakikipagkaibigan, pagpupugay at pagpapakita ng sinseridad ng isang tao sa iba, pakikipagtalakayan at pagbabahagi ng iba't ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, mga senaryo at mga pangyayari ang makapagpapaliwanag ng kahalagahan ng wika sa lalo't higit sa larangan ng komunikasyon at pakikipagugnayan ng mamamayan.

Sa kabuuan, ang Wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa.

Wikang Filipino: Isang Paanyaya

Posted by Thunder Hawks On 4:49 PM

Wikang Filipino: Isang Paanyaya
ni: John Barry Santos

Ano ba itong aking naririnig?
Wikang Banyaga patuloy na nananaig,
Hindi ba’t tayo ay isang Pilipino?
May mayamang wika at sariling alpabeto.

Wikang Banyaga ang siyang ginagamit
Ng baluktot na pananaw na ang iba ay napiit,
Ito wari ay angkop pagpapakita ng husay
Na ang isa ay may dunong at mataas na pinagaralan.

Wikang Filipino ito'y ikagagalak
Gamitin bilang sandata sa bawat pagtahak,
Sa pagpapakita ng dunong at karunungan
Dala dala ay ngalan at pagiging makabayan.

Pagsambit at paglimbag sa sariling wika
Larawan ng Naysunalismo at nitong pagsasadiwa,
Kahapon, ngayon, bukas at sa habang panahon.
Ito ag siyang huhubog kung san tayo paparoon.

Wikang Filipino ngayo’y nagaanyaya
Linangin at paigtingin yan ang kanyang paalala,
Wika’y simbolo ng ating kasarinlan
Tanda ng ating sariling pagkakakilanlan.

Kaya sa lahat na may isang araw at tatlong bituin ang bandila,
Na may malawak na bahagi ng bughaw pati pula,
Taas noong ipagmalaki ang Wikang Filipino
Wari'y ibon na ang lipad ay patungong landas ng pagbabago.

Kasaysayan ng Wika

Posted by Thunder Hawks On 4:48 PM

Pambansang Wika

Posted by Thunder Hawks On 4:41 PM

"Ama ng Wikang Pambansa..."

Posted by Thunder Hawks On 12:36 PM


Ang mestiso Espanyol na si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto, sa Baler, Tayabas, kina Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila, na isa ring retiradong sarhento sa sandatahang kolonyal ng Espanya, at Maria Dolores Molina, isa ring guro sa kanilang bayan.

Si Manuel L. Quezon ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas. Si Quezon ay tinatawag ding “Ama ng Republika ng Pilipinas” at “Ama ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.      
Sa kanyang termino bilang pangulo ng Pilipinas, itinayo ni Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa, na naglalayong lumikha ng isang pangkalahatang pambansang wika para sa mga Pilipino. Noong Nobyembre 1937, inirekomenda ng Surian na gawing pambansang wika ang Tagalog, kung kaya noong ika-30 ng Disyembre 1939 ay idineklara ni Quezon na Tagalog ang magiging pambansang wika ng Pilipinas. Noong Hunyo 1940 naman, iniutos niyang ituro ang pambansang wika bilang isa sa mga asignatura sa mga paaralan.
Namatay si Quezon sa sakit na tuberculosis noong ika-1 ng Agosto 1944 sa Saranac Lake, New York. Nakaukit sa kanyang huling himlayan ang mga katagang: "Statesman and Patriot, | Lover of Freedom, | Advocate of Social Justice, | Beloved of his People." (Mahusay na tagapamahala at bayani,| Mapagmahal sa kalayaan,| Tagataguyod ng panlipunang katarungan,| Minamahal ng kanyang bayan.)

Noong ika-23 ng Setyembre 1955, idineklara ni Pangulong Ramon Magsaysay ang ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon bilang Linggo ng Wika. Ang selebrasyong ito ay palaging nagtatapos sa kaarawan ni Quezon, ang taong unang nagsulong ng paglikha ng isang pambansang wika.
           
Noong ika-15 ng Enero 1997, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramow ang buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika.

Sanggunian: http://fil.wikipilipinas.org/index.php? title=Manuel_L._Quezon

“Sa Aking Mga Kabata...”

Posted by Thunder Hawks On 12:32 PM

 “Sa Aking Mga Kabata”
Ni: Gat. Jose Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig,
Sa kayang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit,
Katulad ng ibong na sa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan,
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At isang tao’y katulad, kabagay,
Sa atin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita,
Mahigpit sa hayop at malansang isada,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa,
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang tagalong tulad din sa latin,
Sa ingles, kastila at salitang angel,
Sa pagka ang poon maalam tumingin,
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huad din sa iba,
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa,
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Linggo, Agosto 14, 2011

"Ibong Mandaragit ang Wikang Banyaga, Huwag Hayaan Maging Sisiw ang Sariling Wika..." - Reymond Tugadi

Posted by Thunder Hawks On 5:42 PM

Ibong Mandaragit  ang Wikang Banyaga, Huwag Hayaan Maging Sisiw ang Sariling Wika...
ni: John Barry Santos

Patuloy na lumalaki ang bahaging ginagampanan at impluwensya ng wikang banyaga sa pang araw araw na pamumuhay sa panahon ngayon. At tila unti unting natatabunan ang halaga ng Wikang Filipino sa atin at ang pagbibigay importansya sa mga sakripisyo ng mga nagsipagtaguyod nito. Sa paanong paraan maipapakita ang katagang ito? Ang pangangailangan ng mundo batay sa kung ano ang mga nagaganap sa kasalukuyan ay nahahagingan ng presensya ng Wikang Banyaga. Bilang tugon, marami sa atin ang nagpapakadalubhasa sa wikang ito. Ito ay upang pakasabay sa agos ng kompitensya sa kasalukuyan. Ngunit lingid sa ating kaalaman, sa pananaw na ito, may mga bagay na nauuna pang nadidiskubre sa Wikang Banyaga kaysa sa Sariling Wika natin.
Sa sariling wika natin tayo ay nagkaroon ng sariling pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Kung magkagayon, dapat sa pag angat ng wikang banyaga sa mundo ay kasabay ang pagpapakilala natin ng ating Wika at palinang nito. Hindi man upang higitan ang kakayahan at pwersa ng ibang wika, ay upang bigyang ng pagpapahalaga ang mga sakripisyo sa pagtataguyod nito at pagpapakita ng Nasyunalismo. Ang Wikang Filipino ang siyang ating representasyon sa mundo, linangin, pagyamanin, at ating gamitin upang sa pag-asang balang araw tayo naman ang manaig sa mundo.

Sisiw man kung ituring ng iba ang ating wika, ang tunay na sisiw man ay uusbong at mas magiging higit na kapakipakinabang baling araw. Ito ang gigising sa natutulog na diwa hindi lang ng mga Pilipino kundi maging ng ibang lahi, at sasalubong sa liwanag ng araw ng mabuting pababago na kakalat sa kalupaan at magtataguyod ng isang mabuting kabihasnan.

"Filipino ay Wikang pang Lahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas..." - SWP

Posted by Thunder Hawks On 9:12 AM


Filipino ay Wikang pang Lahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas...
ni: John Barry Santos

Sandatang maituturing natin sa di makatwiran at di makataong pagmamalabis, pagka-mapangmataas, at sa paninirang puri ang Wikang Filipino. Ito ay ating nagiging kakampi upang ipabatid ang maling gawi ng ilan tungo sa nakararami. Ito ay isinasambit o di kaya’y isinasatitik upang tugunan ang pangangailangang proteksyon ng sambayanan sa masamang hangarin ng iilan. Ang Wikang Filipino ay nag aanyayang ilahad ang katotohanan at ang mga aktong di pabor sa moralidad at pagiging makatao sa bawat isa. Hinihikayat nitong isakatuparan ang dati ay kathang isip lamang na ganap na pagbabago. Ang mga bagay na nakakasira ng imahe ng ating lahi bilang Filipino, na tila bang siya narin ang gustong kumawala sa mga nagpupumilit na ito ang isuot na pagkakakilanlan dito.
Panahon nang isiyasat ang mga maling gawi, na ipahatid ang katotohanan at kredibilidad. Ito ang hamon sa ating ng Wikang Filipino., gamitin bilang pinagmumulan ng liwanag sa komunidad at tapang na suungin ang unos upang ituwid ang landas ng pamumuhay ng mamamayang Filipino.

Korni daw ang Wikang Filipino????

Posted by Thunder Hawks On 7:10 AM

Korni daw ang Wikang Filipino????
ni: John Barry Santos

May ilan na nagsasabi na korni daw ang Wikang Filipino, at nakalulungkot isipin na Filipino din mismo ang karaniwang nagsambit ng katagang ito. Sa mga likhang pangliteratura gaya ng tula, sulatin, maging mga napapanuod sa mga telebisyon at mga akto sa teyatro, mga matandang mga kataga at kasabihan, mga paggamit ng sinasabing malalalim na salita at mga dayalogo ay sinasabi ng ilan na sa sobrang mabulaklak ay nakakawala ng interes ang mga ito. May ilang mapapangiti o di kaya ay biglang ngingisi sa tuwing makakarinig o di kaya ay makababasa ng mga matatalinhagang mga salita at mga pangungusap mula sa ibang indibidwal o mga sulatin dahil ang interpretasyon nila dito ay korni.

Ang mga balagtasan, mga tula at mga salawikain nga ngayon ay karaniwang naririning na lamang sa mga patimpalak at hindi na nagiging malaking bahagi  ng pang araw-araw na pamumuhay nating mga Pilipino di gaya ng dati na maging sa paguusap ng mga magkakaibigan sa tambayan o mga pook pang pahingahan ang mga sinasambit ay mga bugtong, salawikain at iba pang paraan ng pakikipagtalastasan na hango sa sariling wika.

Maaring sa isang banda hindi naman talaga korni o wirdo ang wikang Filipino. Patunay lang ito na ang mundo ay patuloy sa pagbabago, mga pangangailangan, mga gawi, at mga pamamaraan. Wika rin naman ay dinamiko din na patuloy na nagbabago. Ang ilan nga’y di na nagagamit sa panahon ngayon at maririning na lamang sa mga patimpalak at kompetisyon.

Marahil ang mga taong nagsasabi na korni ang sarili nilang wika ay ang binabanggit na malansang isda ni Gat Jose Rizal sa kanyang mga kataga, “Ang di marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa hayop at malansang isda”. Paano nga ba mahalin ang sariling wika? Sa simpleng paggamit ng sariling wika at pagpapabatid ng mga ideya, opinion at mga paniniwala sa wikang pambansa ay waring ikaw ay isa na ring bayani gaya ni Gat. Jose Rizal at mga kapwa bayani niya. Malaki ang impluwensya ng wikang Filipino sa kung ano ang mayroon tayo sa panahong ito, Ito ay pagpapakita na sa layo ng narating ng wikang pambansa ay basihan kung san tayo paparoon sa hinaharap… Kaya ang wika ay pahalagahan, linangin at ingatan.

Wikang Filipino sa Kongreso: Para sa nakararaming Pilipino

Posted by Thunder Hawks On 7:08 AM

Wikang Filipino sa Kongreso: Para sa nakararaming Pilipino
ni: John Barry Santos

Karaniwan nang ginagamit sa Kongreso ang Wikang Banyaga, bilang paraan ng pakikipagkomunikasyon sa kapwa Mambabatas at iba pang mga kawani ng gobyerno. Ito rin ang kanilang kaparaanan upang kapanayamin ang mamamayan sa mga naitatag nang mga panukala nito at serbisyo. Ilan sa mga mambabatas dahil nga sa mataas ang kanilang pinagaralan at eksklusibo ang pinagtapusan, gamit nilang wika ay banyaga marahil sa isang banda ay upang ipakita na sila ay mahuhusay at taglay ang dunong na wala ang iba. Kahit ang ilan ay halatang hirap na, patuloy na magiingles kahit magkabali-baliktad at magkabuhol-buhol ang kanilang mga dila. Ang nakararami ay eksperto na rito ngunit sa sobrang lalim ng mga salita wari'y maging sila ay lulubog na sa pagkakaupo nila sa silya. Sa tuwing ang kausap nila ay ang mamamayan sigurado ko ang nakaintindi ay iilan tapos ang nakararami ay mawawalan ng interes at ilan pa nga'y dudugo ang ilong sa tindi ng bagsik ng inglesan. Ang dunong ay di nasusukat sa husay magsalita ng wikang dayuhan, Ito ay kung paano mo ito ibahagi sa nakakarami at kung paano mo ipapabatid sa iba ang kung ano ang nais mo sa paraang pabor sa nakararaming tao.
Kung ako ang tatanungin mas mainan na gamitin ang Wikang Filipino sa kongreso upang maipakita ang halaga nito at ang pagiging nasyunalismo. Mahirap ang proseso ng pagtataguyod nito, dugo at pawis ang haligi nito upang maisakatuparan an gating kasarinlan. Kaya marapat lang ito ay gamitin bilang sandata ng karunungan at pakikipag kapwa tao. Hindi naman masama na gumamit ng wikang banyaga, ikonsidera lang kung sino ang hinahatiran ng paniniwala aat pananalita mo.

Biyernes, Agosto 12, 2011

Ang Ating Sariling Wika

Posted by Thunder Hawks On 4:46 PM

Manuel L. Quezon

Posted by Thunder Hawks On 4:43 PM